Sa bawat paggising at pagsalubong natin sa bukang-liwayway. Mga panibagong kaganapan ang sa atin ay bumubulaga. Mga pangyayari sa ating kapaligiran, mabuti man o masama ang dulot sa atin. Kaganapan din sa labas ng bansa tulad na lamang sa nangyayaring kaguluhan sa Libya at tsunami sa Japan. Kasabay nito ang mga pangyayari sa loob ng pamahalaan sa ating bansa. At kung ano ang mga bagong isyung kinahaharap ng Pilipinas. Mapa-personal mang aspeto o hindi sa mga taong nakaupo dito.
Mga mamamahayag, sila ang mga naghatid at patuloy na naghahatid sa atin ng mga impormasyong dapat nating malaman sa pang araw-araw nating pamumuhay gayundin mga pangyayari sa ating mundong ginagalawan. Na siya rin namang kanilang tungkuling dapat gampanan.
Ngunit kaakibat ng tungkuling ito, may mga karapatan at responsibilidad na kailangang isaalang-alang ang mga mamamahayag.
A journalist writes what for the society that he observes .He presents whatever, is consumed by the society people which may consist of different classes, religions, categories and characteristics, ayon kay Pranab Hazra, isang mamamahayag mula sa bansang India. Ang isang mamamahayag ay sumusulat lamang ng kung anong kanilang napapansin at naoobserbahan. Kasabay ng kanilang pamamahayag nararapat lamang na maging maingat sila sa mga bawat salitang kanilang binibitawan. Ang kanilang pagpapahayag din ay may kalakip na karapatang pantao at laging iisa ang layunin-- ang magbigay ng impormasyon at hindi ang manirang puri sa iba.
Isa pa rito, sa bawat pagsusulat ng isang mamamahayag dapat lamang na isaalang-alang din ang mga paniniwala ng kung anong grupo mayroon tayo ngayon sa lipunan--ang kanilang relihiyon at tradisyon. Samakatuwid, ang pagpapahayag ay hindi lamang para sa “social harmony” ng bawat isa kundi para din sa kabutihan ng ating lipunan.
Kasabay nito, ang pamamahayag ay may mga batas na dapat malaman mula sa Journalist’s Code of Ethics (Philippines) formulated by Philippine Press Institute and National Press Club.
I shall not in any manner ridicule, cast aspersions on, or degrade any person by reason of sex, creed, religious belief and political conviction, cultural and ethnic origin. Sinasabi na ang isang mamamahayag ay hindi gagamitin ang propesyong ito para lamang mang dehado ng isang tao base sa kasarian, relihiyon, paniniwala at iba pa.
I shall presume persons accused of crime of being innocent until proven otherwise. I shall exercise caution in publishing names of minors and women involved in criminal cases so that they may not unjustly lose their standing in society. Ayon naman dito, kung sino mang nagkasala sa batas ay hindi basta-basta aakusahang inosente o may sala hangga’t hindi ito napapatunayan. Gayundin mag-iingat din sa pagpapalabas ng mga pangalan ng taong pinagtutungkulan lalo pa kung sila ay wala pang labing –walong gulang nangsagayon ay hindi agad maapektuhan ang kanilang katayuan sa lipunan.
I shall not commit any act of plagiarism. Alam naman natin na ang ang pangongopya ng artikulo sa isang establisyemento na hindi kinikilala ang “source” o pinanaggalingan ng orihinal na impormasyon sakali mang nirebisa lamang ito na tinatawag nating “plagiarism” ay isang krimeng iniiwasan ng isang mamamahayag.
Dagdag pa rito, ang pagiging mamamahayag ay isang propesyon. Propesyong nangangailangan ng pantay na pagtiingin sa bawat gagawin. Ang bawat balita at impormasyong kanilang ipinapalabas ay nararapat lamang na walang kinikilingan at kinakampihan. Nang sa gayon ang artikulong ginawa ay maihahayag ng maayos at walang inaalalang problemang maaaring likhain sa pagitan ng manunulat at sa pinagtutungkulan ng balita/artikulo.
Sa kabilang banda, ang pamamahayag din ay isang karapatan. Sa katunayan, ito ay nakapaloob sa ARTIKULO III – REPUBLIKA NG PILIPINAS 1987, na nagbibigay karapatan at kalayaan sa ating makapagsalita at maipahayag ang ating nais isatinig. Ngunit karamihan sa atin ay takot na magpahayag ng ating sariling saloobin dahil natatakot sa anumang kakalabasan ng gagawing pag-aksyon na nagpapatunay lamang sa sinabi ni Sigmund Freud, “Most people do not really want freedom, because freedom involves responsibility, and most people are frightened of responsibility.”
Ngunit sa kabilang banda,ang pagkakaroon ng karapatang makapagpahayag ng ninanais ay hindi na maiaalis sa atin kasabay nito. Huwag nating abusuhin at samantalahin ang karapatang ito.