Pages

Sunday, December 29, 2013

Life without You

i do not know what my life would be if i do not met you.
i do not know who am i till i know you.
i do not know when my world starts to revolve till i had loved you.
i do not know where would i be without you in my life.
i do not know why i am here till you called me.
all i know now is how you changed my life tremendously, oh God.

Lord, it is just a simple poem i made for you. i reall can't specified how you changed my life. 
all i know God that You are always here changing me inside and out.
i do not know how could i repay you for all the goodness you had done in my life. the gratitudes i felt inside, i can't express it out. God, your love for me is enough to fight on the battles God.

there are times that i feel like giving up, but you know what God, everytime, that things come to my mind. i fell ashame on you. you just redeemed me, then after i would go back to the place where you caught me?
nu uh Lord, i would not allow that thing happen again. i will just always remember you and what you had done to me and that would change everyhing Lord. :)

Smile :)

Monday, April 11, 2011

Kabataan at Teknolohiya


http://www.nlr.nl/images/ASSP/earth9_text_crop_H.jpg

 Hindi maikakala na kasabay ng pag-usad ng ating bansa ay ang paglaganap din ng iba’t-ibang teknolohiya. Teknolohiya tulad na lamang ng mga cellphones, computers at ngayon ay ang internet kung saan mayroong facebook,blogger, at kung anu-ano pang websites, na karaniwang ang mga tumatangkilik ay ang mga kabataan ng makabagong henerasyon.

 Sa katunayan ayon sa ulat sa Chapter 5: The Digital Generation: How Young People Have Embraced Computers And The Internet, matanda o bata man hindi tataas sa gulang na 25 ay gumagamit ng mga nasabing teknolohiya. Dahil sa gulang na 10 pa lamang ay natutunan na ang paggamit nito.

Ayon pa din sa ulat ay mas malaki ang posibilidad ng pagkakaroon ng “computers, cellphones” sa mga tahanang binubuo na mayroon malaking bilang ng mga kabataan kaysa sa pamilyang kaunti ang anak. Tinatayang nasa 70.1% kumpara sa 58.8%.

Source: NTIA and ESA, U.S. Department of Commerce, using U.S. Census Bureau Current Population Survey Supplement
Hindi naman natin maisasantabi ang mga mabuting dulot nito sa atin. Gaya na lamamg sa  pagkuha ng mga impormasyon sa kung anumang partikular na isyu. Gayundin, makakatulong ito sa mga kabataan na magkaroon ng komunikasyon sa mga kamag-anak, lalo pa at karamihan sa ating mga Pilipino ay mga OFW. Kaugnay nito, maaring makahanap ng mga bagong kaibigan , higit para sa mga taong nahihiyang makipagusap ng tradisyonal at makipagkaibigan sa iba.

youth as cyborgs
Kasabay ng paggamit ng teknolohiyang ito ay hindi maiiwasan na magkaroon ng komplikasyon sa paraan ng paggamit nito. Tulad na lamang ng paninirang puri sa kapwa na isinasagawa “online” lalo pa at nagkalat ngayon ang mga social-networking sites tulad ng “facebook” at “twitter” lalo pa at ang patutungkulan ito ay itinuturing na kaaway. Ang gawaing ito may matatawang na cyberbullying, Internet harassment, at Internet bullying. Halos 33% na kabataan na ang nagiging biktima ng nasabing suliranin sa paggamit ng teknolohiya, kung saan sa 33 porsyentong ito ay 56 ay biktima ng mga “chatrooms”,49 naman ay nanggaling sa mga “text messages” at 28 din mula sa “e-mails”.

Syempre gaya ng karaniwang resulta ng ganitong pangyayari nagbubunga ito ng hindi maganda  sa taong naging biktima nito at nagreresulta ng pagkawala ng tiwala sa sarili at maging sa kapwa nila. Gayundin, problemang emosyonal o maging pang-sosyal.

Sa henerasyon nating ito hindi natin maiiwasang makapagpahayag ng kung anumang nasa ating saloobin lalo pa at nakapaloob ito sa ARTIKULO III – REPUBLIKA NG PILIPINAS 1987, na nagbibigay karapatan at kalayaan sa ating makapagsalita at maipahayag ang ating nais isatinig. Gayundin sa paglaganap ng mga teknolohiya sa paligid na maaring gamiting pagpapahayag.

Ngunit sa kabilang banda, ang paggamit ng ating karapatan kasabay ng mga makakabagong teknolohiya ay nararapat lamang magkaroon ng karampatang responsibilidad at pananagutan nangsagayon upang hindi lamang maiwasan ang sigalutan sa lipunan at sa kapwa bagjkus makatulong sa  pagpapaunlad ng ating bansa.#



Michelle V. Octa


Monday, March 28, 2011

Karapatang Mamamahayag: Isang Karapatan at Responsibilidad

Sa bawat paggising at pagsalubong natin sa bukang-liwayway. Mga panibagong kaganapan ang sa atin ay bumubulaga. Mga pangyayari sa ating kapaligiran, mabuti man o masama ang dulot sa atin. Kaganapan din sa labas ng bansa tulad na lamang sa nangyayaring kaguluhan sa Libya at tsunami sa Japan.  Kasabay nito ang mga pangyayari sa loob ng pamahalaan sa ating bansa. At kung ano ang mga bagong isyung kinahaharap ng Pilipinas. Mapa-personal mang aspeto o hindi sa mga taong nakaupo dito.
 Mga mamamahayag, sila ang mga naghatid at patuloy na naghahatid sa atin ng mga impormasyong dapat nating malaman sa pang araw-araw nating pamumuhay gayundin mga  pangyayari sa ating mundong ginagalawan. Na siya rin namang  kanilang tungkuling dapat gampanan.
Ngunit kaakibat ng tungkuling ito, may mga karapatan at responsibilidad na kailangang isaalang-alang ang mga mamamahayag.
A journalist writes what for the society that he observes .He presents whatever, is consumed by the society people which may consist of different classes, religions, categories and characteristics, ayon kay  Pranab Hazra, isang mamamahayag mula sa bansang India. Ang isang mamamahayag ay sumusulat lamang ng kung anong kanilang napapansin at naoobserbahan. Kasabay ng kanilang pamamahayag nararapat lamang na maging maingat sila sa mga bawat salitang kanilang binibitawan. Ang kanilang pagpapahayag din ay may kalakip na karapatang pantao at laging iisa ang layunin-- ang magbigay ng impormasyon at hindi ang manirang puri sa iba.
Isa pa rito, sa bawat pagsusulat ng isang  mamamahayag dapat lamang na isaalang-alang din ang mga paniniwala ng kung anong grupo mayroon tayo ngayon sa lipunan--ang kanilang relihiyon at tradisyon. Samakatuwid, ang pagpapahayag ay hindi lamang para sa “social harmony” ng bawat isa kundi para din sa kabutihan ng ating lipunan.
Kasabay nito, ang pamamahayag ay may mga batas na dapat malaman mula sa Journalist’s Code of Ethics (Philippines) formulated by Philippine Press Institute and National Press Club.
 I shall not in any manner ridicule, cast aspersions on, or degrade any person by reason of sex, creed, religious belief and political conviction, cultural and ethnic origin. Sinasabi na ang isang mamamahayag ay hindi gagamitin ang propesyong ito para lamang mang dehado ng isang tao base sa kasarian, relihiyon, paniniwala at iba pa.
 I shall presume persons accused of crime of being innocent until proven otherwise. I shall exercise caution in publishing names of minors and women involved in criminal cases so that they may not unjustly lose their standing in society. Ayon naman dito, kung sino mang nagkasala sa batas ay hindi basta-basta aakusahang inosente o may sala hangga’t hindi ito napapatunayan. Gayundin mag-iingat din sa pagpapalabas ng mga pangalan ng taong pinagtutungkulan lalo pa kung sila ay wala pang labing –walong gulang nangsagayon ay hindi agad maapektuhan ang kanilang katayuan sa lipunan.
I shall not commit any act of plagiarism. Alam naman natin na ang ang pangongopya ng artikulo sa isang establisyemento na hindi kinikilala ang “source” o pinanaggalingan ng orihinal na impormasyon sakali mang nirebisa lamang ito na tinatawag nating “plagiarism” ay isang krimeng iniiwasan ng isang mamamahayag.
Dagdag pa rito, ang pagiging mamamahayag ay isang propesyon. Propesyong nangangailangan ng pantay na pagtiingin sa bawat gagawin. Ang bawat balita at impormasyong kanilang ipinapalabas ay nararapat lamang na walang kinikilingan at kinakampihan. Nang sa gayon ang artikulong  ginawa ay  maihahayag ng maayos at walang inaalalang problemang maaaring likhain sa pagitan ng manunulat at sa pinagtutungkulan ng balita/artikulo.
Sa kabilang banda, ang pamamahayag din ay isang karapatan. Sa katunayan, ito ay nakapaloob sa ARTIKULO III – REPUBLIKA NG PILIPINAS 1987, na nagbibigay karapatan at kalayaan sa ating makapagsalita at maipahayag ang ating nais isatinig. Ngunit karamihan sa atin ay takot na magpahayag ng ating sariling saloobin dahil natatakot sa anumang kakalabasan ng gagawing pag-aksyon na nagpapatunay lamang sa sinabi ni Sigmund Freud, “Most people do not really want freedom, because freedom involves responsibility, and most people are frightened of responsibility.”
 Ngunit sa kabilang banda,ang pagkakaroon ng karapatang makapagpahayag  ng ninanais ay hindi na maiaalis sa atin kasabay nito. Huwag nating abusuhin at samantalahin ang karapatang ito.